How To Recover Hidden Files From USB Or External Hard Disk – Virus Infection (Tagalog)

Karamihan sa atin ngayon ay gumagamit na ng tinatawag na USB at External Hard Disk upang maitago o madala ng madali ang mga mahahalagang files natin mga litrato, documents etc. pero dahil minsan sa hindi sinasadya ay naisasaksak natin ang ating mga USB o External Hard Disk sa mga Computer na may virus kung saan ang ating mga files ay aakalainin mong nawala pero ang nakakapagtaka meron itong laman nguni’t kapag ito ay iyong binuksan wala kang makikita. Kahit ako ay nabiktima na nito at aminin na natin lalo na kung mahalaga ang nilalaman nito tayo ay agad na nagpapanic kung paano natin ito maaayos o marerecover, ang ilan ay nagbabayad pa pero sa simple steps na ito maaari mo nang ma recover ang mga files mo sa USB o External HDD na naapektuhan ng virus sundin lamang ang pagkakasunod sunod na instructions sa ibaba

———————————————————-

1. Siguraduhin na may magandang klaseng Anti Virus na naka install sa iyong computer o laptop, siguraduhing na scan ang computer ng antivirus pati narin ang USB o External HDD.

2. Pumunta sa “Control Panel” i click ang “Folder Option” Select “View” tab, Select “Show hidden files”, “folders and drives” and uncheck ”Hide protected operating system files (recommended)” at i click  ang “APPLY” – Photo Below

capture-20140203-003543

capture-20140203-003707

capture-20140203-003811

capture-20140203-003926

3. Pagkatapos magawa ang instruction sa taas buksan ang Command Prompt (press Win+R, type cmd, press enter), ipalagay natin na G: ang letra ng USB na apektado ng virus

4. I enter ang command na ito sa Command Prompt

(Ipagpalagay nating nasa letter “G:” ang apektadong flash drive at i-type ang ganitong command sa CMD

attrib -h -r -s /s /d g:\*.*

at i-click ang ENTER sa inyong keyboard

Maaari mong palitan ang “g:” sa command kung ang flash disk ay nasa ibang letter halimbawa ay nasa letter “J:”

Pagkatapos maisagawa ang nasa itaas maaari mo ng tingnan ang iyong flash drive o external hard disk kung ang mga files ay naging visible na at maaari mo na itong mai-restore.

Advertisements