#Noynoyparin Patuloy Ang Pagtrending Sa Ika 3 Araw

Mula noong lunes ay patuloy parin ang pagdagsa ng suporta para kay President Benigno Aquino III lalo na ang mga netizens sa pamamagitan ng paglalagay ng #Noynoyparin hashtag sa kanilang mga twitter post.

Matatandaang noong lunes ay nag tweet sa kanyang twitter account ang kilalang televangelist na si Bro Eliseo Soriano (@BroEliSoriano) na Presiding Minister ng Members Church of God International (MCGI) at Host ng Programang Ang Dating Daan (The Old Path) na komokondena sa panawagan ng ilang mga pari at mga kilalang personalidad na bumaba ang pangulo sa kanyang pwesto.

123456Sa pamamagitan ng hashtag na #Noynoyparin pinangunahan at ipinakita ni Bro Eli ang pagsuporta nito sa pangulo na sinundan ng mga kaanib sa MCGI at iba pang mga tagasuporta ng pangulong aquino.

Sa ngayon ay umakyat na sa ika 4 na pwesto sa Philippines Trends ( 9:00am) ang hashtag na #Noynoyparin

4th

Advertisements

Inosente si Bro Eliseo Soriano

Bro. Eliseo Soriano
(www.facebook.com/BroEliseoSoriano)

Sa panahon natin ngayon may mga tao talagang sadyang hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at ipinapasa sa ibang tao ang kanilang ginagawa upang mapagtakpan at maging malinis ang kanilang imahe sa ibang tao. Isa sa naging biktima nito ay si Bro. Eliseo Soriano na Presiding Minister ng Members Church of GOD International (MCGI) o mas kilala sa tawag na Ang Dating Daan

Nagsimula ang lahat noong taong 2001 kung saan mahigpit na nagkakasagutan sa ere ang programa ni Bro Eli Soriano na Ang Dating Daan at Ang Tamang Daan na programa naman ng kilalang maimpluwensiyang relihiyon sa bansa, ang Iglesia Ni Cristo (INC). Dahil sa umabot na ng ilang taon ang naging sagutan sa ere ay nagpasya si Bro. Eli Soriano na hamunin sa 1 on 1 debate ang tagapamahalang pangkalahatan noon ng INC na si Erano Manalo ngunit dahil hindi nila malabanan sa isang debate si Bro Eli Soriano dito na sila nag simulang mag imbento ng kung ano anong kasinungalingan para maipanira kay Bro Eli Soriano. Kinasuhan nila ng kung ano anong imbentong kaso Libel, Frustrated Murder at kung ano ano pa at isa sa naging mabigat na pambibintang na ginawa nila ay ang Rape Case na isinampa laban kay Bro Eli Soriano kung saan ginamit nila si Daniel Veridiano bilang biktima kuno ng panghahalay na isang tiwalag sa samahan ng ADD.

966456_268299213313621_2140592826_o

Si Daniel Veridiano alias “PUTO” ay itiniwalag sa samahan ng ADD dahil sa panghahalay nito sa kanyang mga kasamang lalake sa ADDCIT Department at paglustay ng pera ng samahan. Matapos na siya ay matiwalag siya ay pumunta at umanib sa samahan ng Iglesia Ni Cristo at dito na nagsimula ang pagsasampa niya ng kaso laban kay Bro Eli Soriano para pagtakpan ang kanyang tunay na ginawang pambababoy sa loob ng samahang ADD.

Panoorin ang mga videong nasa ibaba upang makilala ang tunay na pagkatao ni Daniel Veridiano alias “PUTO” at ang kanyang sinamahang IGLESIA NI CRISTO (INC)

Ito ay patunay lamang na si Bro Eli Soriano ay inosente sa lahat ng mga ibinibintang sa kanya at layon lang nila na ituro sa ibang tao ang kanilang masamang ginagawa, dahil ang mga kasong isinasampa sa kanya ay nadi-dismissed at patunay lamang ito na gusto lang siyang gipitin ng mga taong nasa likod ng mga isinasampang kaso na puro lang naman kasinungalingan at walang katotohanan. Sana ay magising po tayo mga kababayan at huwag po tayo basta bastang maniniwala agad sa kung ano ang ating naririnig o nakikita, maging wais po tayo at maging mapanuri. Salamat sa DIOS dahil kahit ano pa ang gawin ng mga kaaway ni Bro Eli Soriano na paninira sa kanya ay maraming tao lalo ang naliliwanagan sa tunay na aral ng DIOS na kanyang ipinangangaral sa panahon ngayon.

Ang Dating Daan / The Old Path may 24/7 Live Streaming na sa Facebook App

Image

Magandang balita sa mga tagasubaybay ng programang Ang Dating Daan dahil sa lawak na nagagawa ngayon ng internet at karamihan sa tao ay gumagamit na ng mga tinatawag na android phone at iPhone. Ngayon basta may internet at Facebook account ka, maaari mo ng ma-access o mapanood ang Ang Dating Daan sa pamamagitan ng facebook app, i-click o i-type lamang sa iyong internet browser ang link na ito https://apps.facebook.com/angdatingdaantv/

facebook app

Screenshot: Ang Dating Daan 24/7 Facebook App Live Video Stream

Para naman sa English Broadcast ng Ang Dating Daan ito naman ang facebook app ng The Old Path i-click o i-type lamang sa iyong internet browser ang link na ito https://apps.facebook.com/theoldpathtv/

Image

Screenshot: The Old Path 24/7 Facebook App Live Stream

Kaya hindi mo na mamimiss ang programang Ang Dating Daan dahil sa facebook app na ito nasaan ka man, basta may internet ka mapapakinggan mo na ang  mga salita ng DIOS mula sa banal na kasulatan sa pamamagitan ni Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon

Para naman mapanood ang mga Programa ng UNTV sa iyong Android Phone i-download lang ang Android Application na ito UNTV Android App

BRO. ELI SORIANO’S BLOG
http://esoriano.wordpress.com/

OFFICIAL WEBSITES
www.MCGI.org
www.EliSoriano.com
www.DanielRazon.com
www.AngDatingDaan.org
www.TheOldPath.tv
www.UNTVweb.com
www.UNTVradio.com

FACEBOOK PAGES
www.facebook.com/BroEliseoSoriano
www.facebook.com/MCGI.org
www.facebook.com/KuyaDanielRazon
www.facebook.com/AngDatingDaanTV
www.facebook.com/TheOldPath

TWITTER ACCOUNTS
www.twitter.com/BroEliSoriano
www.twitter.com/DanielRazon
www.twitter.com/mcgidotorg
www.twitter.com/AngDatingDaanTV
www.twitter.com/TheOldPathTV

Bro. Eliseo Soriano nagdiwang ng kanyang ika 49 taong kaarawan ng paglilingkod sa DIOS

Eliseo Soriano, Bro. Eliseo Soriano, MCGI, ADD, TOP, BroEliAt49, UNTV, UNTVRadio

Happy 49th Birthday in Christ Bro. Eliseo Soriano (https://www.facebook.com/BroEliseoSoriano)

Hindi maipaliwanag na kaligayahan ang naramdaman ng mga kaanib sa Members Church of GOD International (MCGI) sa ADD Convention Center Apalit Pampanga sa pagsapit ng ika 49 na kaarawan sa Espiritu ni Bro Eliseo Soriano.

Ang pagdiriwang ay pinasimulan sa pag awit ng mga papuri sa DIOS na sinundan ng mga pagbati ng mga kaanib sa MCGI mula sa Iba’t ibang panig ng mundo. Dinagsa rin ng pagbati ang Official Facebook Page ni Bro Eliseo Soriano na facebook.com/broeliseosoriano at Twitter Account nito na @BroEliSoriano., nag tweet naman ng pasasalamat sa lahat ng bumati si Bro Eli.

Bro. Eliseo Soriano, BroEliAt49

Pansamantala namang itinigil ang pagdiriwang para bigyang daan ang pagkakatipong isinasagawa tuwing sabado na Pasalamat sa DIOS. Pagkatapos ng pagkakatipon ay pinagpatuloy ang pagdiriwang sa pamamagitan ng  Song By Request Concert kung saan aawitin ni Bro Eliseo Soriano ang mga kantang ire-request ng mga kaanib mula sa iba’t ibang lugar, habang isinasagawa ang concert kitang kita sa mukha ng mga kaanib ang ngiti na kung saan ang iba ay sumabay pa sa mga magagandang awitin na inawit ni Bro Eliseo Soriano.

Happy 49th Years In Service To GOD Bro Eliseo Soriano