GMA Network Binatikos ng mga Netizens sa Social Media

Galit at pagkainis ang naramdaman ng mga netizens matapos na kumalat sa mga social networking sites ang isang larawan kung saan makikita na nakangiti at masayang nagpapicture ang mga crew ng GMA News Team sa gitna ng nangyayaring kaguluhan sa Zamboanga City

Image

Isa sa mga larawang kumalat sa mga social networking sites kung saan makikita ang mga taga GMA News Team habang masayang nagpakuha ng larawan sa gitna ng kaguluhan sa Zamboanga City

Bukod dito binatikos din ng maraming mga netizens ang kumalat na larawan kung saan nagbabalita ng live si GMA Network Reporter Ivan Mayrina sa isang lugar kung saan ayon mismo sa mga nagpost ng larawan ay napakalayo umano nito sa kaguluhan para magsuot pa ng bullet proof vest at helmet

GMA Network Reporter Ivan Mayrina

GMA Network Reporter Ivan Mayrina
[Photo credit to the owner. No copyright intended.]

GMA 7 Reporter Ivan Mayrina

GMA 7 Reporter Ivan Mayrina
[Photo credit to the owner. No copyright intended.]

[Photo credit to the owner. No copyright intended.]

[Photo credit to the owner. No copyright intended.]

Dahil sa nangyari agad na naglabas ng statement ang GMA Network sa kanilang Official Fan Page na GMA News ngunit hindi naman ito tinanggap ng mga netizens bagkus ay lalo pa silang nakatanggap ng mas marami pang pagbatikos mula sa mga netizens

Bago ito naging trending din sa pagbatikos ng mga netizens ang GMA Network sa mga nakaraang taon na nagdaan, isa na rito ay ang pagboycott ng kilalang samahan na Members Church of GOD International (MCGI) o mas kilala sa tawag na Ang Dating Daan (ADD) dahil sa iresponsable nitong pagbabalita sa ipinalabas nitong episode sa programa ni Mr. Arnold Clavio na Case Unclosed noong June 18, 2009 na naulit pa sa kanilang sister station na GMA News TV 11 noong August 3, 2011 kung saan lumalabas na pabor lamang ito sa kampo ng nagdemanda ng rape sa Presiding Minister ng MCGI na si Bro Eliseo Soriano gayong kung susuriing mabuti lumalabas na ito ay paninira lamang laban kay Bro Eli at sa grupo ng Ang Dating Daan.

Umabot na nga sa 35,293 ang nag like o sumuporta sa Official Fan Page nito na 2011 Boycott GMA News. Magpahanggang ngayon 2 taon na ng pasimulan ito ay wala paring naging tugon ang Management ng GMA Network tungkol sa pagboycott na ito ng samahang Ang Dating Daan.

Advertisements