#Noynoyparin Patuloy Ang Pagtrending Sa Ika 3 Araw

Mula noong lunes ay patuloy parin ang pagdagsa ng suporta para kay President Benigno Aquino III lalo na ang mga netizens sa pamamagitan ng paglalagay ng #Noynoyparin hashtag sa kanilang mga twitter post.

Matatandaang noong lunes ay nag tweet sa kanyang twitter account ang kilalang televangelist na si Bro Eliseo Soriano (@BroEliSoriano) na Presiding Minister ng Members Church of God International (MCGI) at Host ng Programang Ang Dating Daan (The Old Path) na komokondena sa panawagan ng ilang mga pari at mga kilalang personalidad na bumaba ang pangulo sa kanyang pwesto.

123456Sa pamamagitan ng hashtag na #Noynoyparin pinangunahan at ipinakita ni Bro Eli ang pagsuporta nito sa pangulo na sinundan ng mga kaanib sa MCGI at iba pang mga tagasuporta ng pangulong aquino.

Sa ngayon ay umakyat na sa ika 4 na pwesto sa Philippines Trends ( 9:00am) ang hashtag na #Noynoyparin

4th