Programa ng ABS-CBN na Bandila humingi ng Paumanhin sa UNTV

Screenshot of Video

Screenshot of Video: Ito Ang Balita – UNTV (Kaliwa) Bandila – ABS CBN (Kanan)

Humingi ng Paumanhin ang Programa ng ABS-CBN na Bandila sa UNTV matapos ang pagkakamali nito na hindi nabigyan ng kortesia ang UNTV sa video na kanilang ginamit tungkol sa nangyaring madugong demolisyon sa Morong, Bataan noong Marso 7, 2014.

Video Courtesy of Bandila (ABS-CBN) Aired March 18, 2014

“Kaunting paglilinaw lang po. Ang video na aming ipinakita noong March 7 tungkol sa madugong demolisyon sa Morong, Rizal ay kuha po ng UNTV at hindi sinasadyang napatungan ng Exclusive¬†Graphics na para sana sa Eksklusibong bahagi ng ulat ni Dominic Almelor. Humihingi po kami ng paumanhin sa UNTV sa hindi sinasadyang pagkakamaling ito.” – Karen Davila (ABS -CBN News Anchor)

Video of Bandila (Aired March 7,2014)

Video Courtesy of ABS-CBN (Bandila)

Sa videong makikita sa taas ay bahagi ng episode ng Bandila na umere noong Marso 7, 2014 sa ABS-CBN, makikita sa kaliwang bahagi na imbes “Courtesy of UNTV” ay Exclusive Graphics ng Bandila ang makikita.

Video of UNTV (Aired March 7,2014)

Video Courtesy of UNTV (Ito Ang Balita)

Ulat ng UNTV tungkol sa naganap na Pamamaril sa Morong, Bataan

Advertisements