Inosente si Bro Eliseo Soriano

Bro. Eliseo Soriano
(www.facebook.com/BroEliseoSoriano)

Sa panahon natin ngayon may mga tao talagang sadyang hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at ipinapasa sa ibang tao ang kanilang ginagawa upang mapagtakpan at maging malinis ang kanilang imahe sa ibang tao. Isa sa naging biktima nito ay si Bro. Eliseo Soriano na Presiding Minister ng Members Church of GOD International (MCGI) o mas kilala sa tawag na Ang Dating Daan

Nagsimula ang lahat noong taong 2001 kung saan mahigpit na nagkakasagutan sa ere ang programa ni Bro Eli Soriano na Ang Dating Daan at Ang Tamang Daan na programa naman ng kilalang maimpluwensiyang relihiyon sa bansa, ang Iglesia Ni Cristo (INC). Dahil sa umabot na ng ilang taon ang naging sagutan sa ere ay nagpasya si Bro. Eli Soriano na hamunin sa 1 on 1 debate ang tagapamahalang pangkalahatan noon ng INC na si Erano Manalo ngunit dahil hindi nila malabanan sa isang debate si Bro Eli Soriano dito na sila nag simulang mag imbento ng kung ano anong kasinungalingan para maipanira kay Bro Eli Soriano. Kinasuhan nila ng kung ano anong imbentong kaso Libel, Frustrated Murder at kung ano ano pa at isa sa naging mabigat na pambibintang na ginawa nila ay ang Rape Case na isinampa laban kay Bro Eli Soriano kung saan ginamit nila si Daniel Veridiano bilang biktima kuno ng panghahalay na isang tiwalag sa samahan ng ADD.

966456_268299213313621_2140592826_o

Si Daniel Veridiano alias “PUTO” ay itiniwalag sa samahan ng ADD dahil sa panghahalay nito sa kanyang mga kasamang lalake sa ADDCIT Department at paglustay ng pera ng samahan. Matapos na siya ay matiwalag siya ay pumunta at umanib sa samahan ng Iglesia Ni Cristo at dito na nagsimula ang pagsasampa niya ng kaso laban kay Bro Eli Soriano para pagtakpan ang kanyang tunay na ginawang pambababoy sa loob ng samahang ADD.

Panoorin ang mga videong nasa ibaba upang makilala ang tunay na pagkatao ni Daniel Veridiano alias “PUTO” at ang kanyang sinamahang IGLESIA NI CRISTO (INC)

Ito ay patunay lamang na si Bro Eli Soriano ay inosente sa lahat ng mga ibinibintang sa kanya at layon lang nila na ituro sa ibang tao ang kanilang masamang ginagawa, dahil ang mga kasong isinasampa sa kanya ay nadi-dismissed at patunay lamang ito na gusto lang siyang gipitin ng mga taong nasa likod ng mga isinasampang kaso na puro lang naman kasinungalingan at walang katotohanan. Sana ay magising po tayo mga kababayan at huwag po tayo basta bastang maniniwala agad sa kung ano ang ating naririnig o nakikita, maging wais po tayo at maging mapanuri. Salamat sa DIOS dahil kahit ano pa ang gawin ng mga kaaway ni Bro Eli Soriano na paninira sa kanya ay maraming tao lalo ang naliliwanagan sa tunay na aral ng DIOS na kanyang ipinangangaral sa panahon ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s